Mensahe ni Anakpawis Rep. Crispin Beltran sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan
From the Office of Anakpawis Representative Crispin B. Beltran
Lisa C. Ito, Public Information Officer (+63)927.796.7006
Tel. # (+632) 426-9442 Email: crispinbeltran@gmail.com
URL: http:// www.geocities.com/ap_news
"If helping the poor is a crime,
and fighting for freedom is rebellion,
then I plead guilty as charged."
--Crispin Beltran, August 1982 Supreme Court hearing
Mensahe ni Anakpawis Rep. Crispin Beltran sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan
Marso 8, 2006
Pinakamataas at pinakamaalab na pagpupugay sa kababaihang nakikibaka para sa tunay na kalayaan at panlipunang pagbabago!
Tanda ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan ng patuloy na isinusulong na pakikibaka ng kababaihang anakpawis para sa kalayaan, sahod, lupa, trabaho, at karapatan. Sa loob at labas ng Kongreso, patuloy nating iginigiit ang P125 at P3,000 across-the-board na dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor, upang pakinabangan ng milyun-milyong pamilyang Pilipino. Ang kababaihang anakpawis din ay
kabilang sa mga nasa harap ng pakikibaka laban sa pag-iral ng mga kontra-mamamayang batas katulad ng pahirap na dagdag na Value Added Tax, ang mapanlinlang na Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), at ng Oil Deregulation Law na pabor sa mga ganid na kumpanya ng langis. Araw rin ito ng higit nating pagtutol sa mga patakaran ng kontraktuwalisasyon at mababang sahod, na pangunahing sumasalanta sa mga babaeng manggagawa sa buong kapuluan.
Ang ika-8 ng Marso ay hindi lang isang Araw ng Pagdiriwang. Araw rin
ito ng Protesta laban sa isang Pangulong na nagdulot ng gutom at gulo
sa ating bayan. Sa kabila ng mga praise release ng rehimeng Arroyo
hinggil sa diumanong pag-angat ng ekonomiyang Pilipino, ramdam ng
sambayanang Pilipino ang kirot ng kakapusan at talim ng pasistang
pangil ng estado.
Isinusuka at kinamumuhian natin ang babaeng nakaluklok ngayon sa
Palasyo, na nagbabalatkayong Inang Bayan ngunit tumatalikod sa
tungkuling arugain ang nagugutom na sambayanan. Masahol pa sa asong
ulol ang huwad na Pangulo sa kanyang panggigipit sa mamayan at sa mga
makabayang lider-anakpawis, ngunit isang tutang tiklop ang buntot sa
dikta ng dayuhang kapitalista.
Anti-women wanti poo r anti-nationa
Ipinagbubunyi natin ang matalas at matibay na paninindigan ng
kababaihang anakpawis at kilusang kababaihan laban sa mga huwad,
gahaman, mapanupil at pahirap na rehimen ni Gng. Arroyo. Ipinamamalas
ng mga katulad ni Gabriela Women's Party Rep. Liza Maza ang diwa ng
pakikibaka na sinimulan nina Gabriela Silang sa kanyang paglaban noong
panahon ng kolonyalistang Espanol. Sa harap ng banta ng estado ng
ilegal na aresto patuloy pa ring gumagampan ng gawain bilang
kongresistang kumakatawan sa mamamayan.
Ipinapagpatuloy ng mga babaeng lider-manggagawa ang diwa ng mga Lisa
Balando, na pinaslang ng mga tropa ng estado sa isang rali sa tapat ng
Kongreso noong Mayo 1, 1971, panahon ng Batas Militar, sa kanilang
araw-araw na paninindigan para sa karapatan at kapakanan sa loob at
labas ng pabrika. Nagbibigay-pugay ako dahil patuloy na umaalab ang
apoy ng dantaong pakikibaka sa inyong puso at diwa, mga babae at
kasama. Mabuhay ang lahat ng kababaihang tumitindig para sa
katotohanan at kalayaan!
Mabuhay ang mga bagong Gabriela ng ating panahon! Mabuhay ang
sambayanang Pilipino! Isulong ang laban hanggang sa tagumpay!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home