PROTECTION, NOT EXACTION: STOP THE PLUNDER OF OFW FUNDS!
FROM THE OFFICE OF CONGRESSMAN CRISPIN BELTRAN
Keynote speech of Congressman Crispin Beltran
PROTECTION, NOT EXACTION: STOP THE PLUNDER OF OFW FUNDS!
A Forum on the Rights and Welfare of OFWs and their Families
June 05, 2006 , Andaya Hall, House of Representatives
Isang magandang hapon sa lahat ng dumalo sa talakayang ito!
Ikinalulungkot ko na hindi ko kayo makakapiling ng personal sa araw na ito dahil sa arbitraryong pagkakapiit at panggigipit ng administrasyong Arroyo. Gayunpaman, malugod akong nakikiisa sa layunin ng talakayang ito: ang ilahad ang tunay na halaga at kalagayan ng ating mga overseas foreign workers (OFWs) at iwaksi ang mga porma ng pagsasamantala ng estado sa mga OFW at pamilya nila.
Sa isang pahayagan noong sabado ("OFW remittances lift peso to 52.85 to $1", Hunyo 3 isyu ng Philippine Daily Inquirer) , ibinalita na tumaas ang halaga ng piso sa pagpasok ng mga remittance ng OFWs na nagpapa-enrol sa kanilang mga anak ngayong pasukan. Ang mga padala nila ang pansamantalang nagsalba sa halaga ng piso laban sa dolyar, pagkatapos ng limang-buwan na pagbagsak nito.
Noong Sabado din ay ibinalita na ang mga OFW ang bumibili o nag-iinvest sa 20 porsiento ng mga housing project sa bansa ("OFWs take 20% of preselling residential developments", PDI), karamihan ay sa porma ng mga pre-selling arrangement. Dumami diumano ang kita ng malalaking kumpanyang nagbebenta ng mid-income condominiums dahil sa mga OFW.
Hindi nakakagulat ang mga balitang ito, kung tutuusin. Una, dahil pinapadala ng mga OFW ang kanilang sahod sa mga panahong kailangan talaga ito ng kanilang pamilya, katulad ng pasukan tuwing Hunyo, o kaya tuwing Pasko, dahil mahalaga ang pagdiriwang nito sa ating kultura. At, ikalawa, dahil pangunahing prayoridad pa rin ng mga kapatid nating OFW ang maglaan ng sahod para sa edukasyon at kabahayan. Pero walang kaseguruhan na makakakuha ng maayos na trabaho ang kanilang anak kapag nakapagtapos, o kaya ay tuluyang mapapasakanila ang mga housing na pinaghirapang hulugan.
Pahiwatig din ito na ang mga OFW remittance ang pangunahing nagtataguyod sa pabagsak na ekonomiya ng ating bansa. Ito ang tanging panangga ng gobyerno laban sa disempleyo, mababang sahod, at kawalan ng oportunidad, magmula sa administrasyong Marcos hanggang sa kasalukuyan. At nagpapatuloy ang kalakarang ito. Sa pagtataya ng mismong pamahalaan, mahigit isang milyong Pilipino na ang lumalabas ng bansa taun-taon upang magtrabaho bilang katulong, entertainer, care-giver, trabahador, nars, at iba pa.
Sa ngayon, ikatlo ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming migrante sa buong mundo, kasunod ng mga dambuhalang bansa na Tsina at India. Lubhang nakababahala ang pagpasok natin sa "Top Three" na ito, dahil maliban sa namumukod-tangi ang Pilipinas sa dami ng migrante kumpara sa populasyon at kabuuang lakas-paggawa, ay patuloy pa rin ang pagtahak ng administrasyong Arroyo sa landas ng labor export.
Lumulubhang krisis ng disempleyo na dulot ng isang atrasadong ekonomiya at sistemang pampulitikal. Ito ang kalagayang panlipunan na ipinahihiwatig ng mass exodus ng mga Pilipino. Mula noon hanggang ngayon, ang mga OFW ang sumasalo sa ekonomiyang hindi makabangon dahil sa mga maka-dayuhan, maka-kapitalista, at kontra-mamamayang patakaran na ipinapatupad ng iba't ibang administrasyon. Kung wala ito, wala nang maipapakitang pag-unlad si Pangulong Arroyo sa ilalim ng kanyang panunungkulan.
At ano naman ang ginagawa ng gobyernong Arroyo upang proteksyunan ang mga itinuturing nitong "bagong bayani"? Wala. At kung mayroon may ay huwad, mapagsamantala, at mapaglinlang ang katangian ng mga programang ito. Sa halip na tulungan sila, ginawang negosyo ng pamahalaan ang pangingibang-bansa ng ating mga kababayan. Pinagkakakitaan ang bawat OFW na napipilitang mangibang-bansa, na nawawalay sa pamilya at lumusong sa hirap, kawalang-katiyakan, panganib, at kalupitan.
Bago pa man makaalis sa bansa ay baon na sa utang ang bawat OFW. Pinagkakakitaan ng mga ahensyang pribado at pampamahalaan ang mga papeles at iba pang mga dokumentong kinakailangan upang makapagtrabaho sa ibayong-dagat. Nililimas naman ang mga bulsa ng mga migrante sa pagbabayad ng mga serbisyo at produktong pag-aari rin ng kanilang mga amo. Pagkabigay ng sahod ng mga OFW, kumikita pa rin ang gobyerno at ang mga pribadong institusyon sa pamamagitan ng mga remittance channels atbp. Ipinagkakait sa maraming migranteng Pilipino ang makatarungang sahod, benepisyo, seguridad, at pantay na pagtingin upang makakamal pa ang mga kapitalista at estado ng mas maraming tubo.
Kung gayon, ang yamang nililikha ng lakas-paggawa ng masang anakpawis ay napupunta sa kamay ng iilan: sa mga malalaking korporasyon, kapitalista at sa mga opisyales ng pamahalaan. Sa halip na gamitin para proteksyunan ang mga OFW, ginagamit ng pamahalaan ang pera ng mga migrante para sa pagpapalago ng kapital, pagnenegosyo, at pangungurakot. Isang matingkad na halimbawa nito ay ang pagkuha ng gobyernong Arroyo sa P530 M mula sa pondo ng OWWA upang ilipat sa PhilHealth, na pinagbibintangang nakapagambag sa kampanya ni Gng. Arroyo noong pambansang halalan.
Maging ang P8 bilyon na pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nagsilbing gatasan ng gobyerno. Ayon mismo sa datos ng Migrante, sa P538 milyon na pondo ng OWWA para sa taong 2005, P467.6 milyon ang ginastos ng administrasyong Arroyo, samantalang P28 milyon lamang ang ginamit para sa serbisyo ng OFW at ng kanilang mga pamilya, at P5 milyon lamang ang inilaan para sa welfare assistance sa labas ng bansa. Wala ni singkong inilagay ang gubyerno rito ngunit sila ang nagpapasya sa kung saan dapat ito gamitin at iniwawaldas ang pera ng OFWS.
Samantala, hindi nagsisilbi ang mga kasalakuyang batas para proteksyunan ang interes ng migranteng Pilipino. Palamuti lamang ang kasalukuyang Migrants Act of 1995 o Republic Act 8042, ang mga OWWA Omnibus Policies, at ang iba pang patakarang pinanghahawakan ng administrasyong Arroyo. Ang Migrants Act, halimbawa, ay madaliang isinabatas upang maibsan ang pagkamuhi ng mamamayan sa gobyerno nang hindi nito napigilan ang pagbibitay ni Flor Contemplacion noong Marso17, 1995. Hindi ito nakatulong sa mga OFWs dahil hindi rin ito ipinatupad ng gubyerno at ipinangpahamak pa sa mga kababayan nating naipit sa gerang agresyon ng Estados Unidos sa Afghanistan at sa Iraq.
Mahigit isang dekada na ang nakalipas pagkatapos itong maipasa. Ngunit hindi nabawasan ng Migrants' Act of 1995 and dami¡½at dumaraming¡½bilang ng mga OFW na inabuso, illegally-recruited, biniktima ng sex trafficking, nadamay sa gera, nasa death row, at pinabayaan ng mga embahada, konsulado at ahensya ng pamahalaan.
Proteksyon, hindi pangungupit at pangongotong, ang dapat isukli ng gobyerno sa pagsasalba ng ating mga OFW sa kaban ng bayan. Malinaw na hindi na makatarungan ang nagaganap na state exaction na napupunta lamang sa bulsa ng iilan. Mahigit sampung milyon ng ating mga migrante ang napilitang lisanan ang mga tahanan at bayan upang makipagsapalaran sa among dayuhan. Nararapat lamang na lumikha ng sistemang mangangalaga sa kanilang kapakanan, ng isang sistemang pang-ekonomiya na hindi magtutulak sa mga kapwa nating Pilipino na mangibang-bansa para lamang mabuhay.
Panahon na upang tignan muli at ibasura ng pamahalaang ito ang umiiral na labor export policy. Dapat nang iwaksi ng tuluyan ang kotong ng estado sa mga OFW at ibasura na ang mga patakarang lumilikha at nagpapadagdag sa paghihirap ng migrante. Nararapat lamang na labanan ang ganitong mga uri ng pagsasamantala sa mga OFW at kanilang pamilya, sa pamamagitan ng sama-samang nating pagtataguyod at paggiit sa karapatan at kagalingan nila.
Maraming salamat at magandang hapon sa inyong lahat!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home