Monday, May 01, 2006

Mayo 1 Mensahe ni Ka Crispin Beltran

Note: aired during the opening program of the May 1, 2006 rally held at Liwasang Bonifacio today.
--------------------------------------------------------------------------

Mensahe ni Ka Crispin Beltran
Mayo 1, 2006

Mga ka-manggagawa at mga kababayan, ito po si Kasamang Crispin Beltran.

Hayaan po ninyo na batiin ko kayo sa makasaysayang araw na ito, ang pandaigdigang araw ng paggawa.

Ang tema ng inyong pagdiriwang ng pinakamahalagang araw na ito ng kilusan ng manggagawa dito sa ating bansa na laban para sa dagdag na sahod, [at para] labanan ang kahirapan, kagutuman, at "Cha-Cha" ni Gloria, ay napapanahon.

Dapat na ang dagdag na sahod ng mga manggagawa na P125 sa mga pribadong ka-manggagawa natin, at P3,000 across-the-board sa mga pambublikong sektor na mga manggagawa, ay dapat tuloy-tuloy nating ipaglaban hanggang makamit natin ang tagumpay.

Labanan din ang kahirapan, kagutuman at cha-cha ni Gloria. Ito po ang kasalukuyang kahilingan ng mangagawang at mamamayang Pilipino sa ngayon.

Tama lang po na isumbong natin sa bayan na tayong mga manggagawa ay hindi na kumakain ng tatlong beses sa isang araw, na tayong mga manggagawa ay hindi na sumisilong sa bubong kung gabi sapagkat po ang ating mga kababayang manggagawang naghihikahos, ayon sa mga estadistika, ay halos 108,000 na pamilya ay nakatakdang i-demolish sa mga kahabaan ng riles sa ngayon.

Ang ating mga mahal sa buhay ay hindi na nagkakaroon ng sapat na ipakakain sa kanilang mga pamilya. Ang sahod ng manggagawa-kung mayroon man nasasahod sila sa araw-araw–ay kulang na kulang sa sinasabi ng estatistika na P675.00 ang kailangan ng pamilya para mabuhay lamang nang maayos sa isang araw.

At kapag nagakakasakit ang ating mga mahal sa buhay, ay masyadong higit tayong nahihirapan sapagkat wala na tayong maipambili ng gamot. Sapagkat ang gamot ngayon ay halos 25 ulit ang taas, kumpara sa ibang bansa, tulad ng India.

Ang nalalabi sa mga manggagawa ngayon: dapat ipaglaban natin na siya ay matanggal ngayon din sa pagkapangulo sa ating bansa. Sapagkat habang tumatagal siya ay lalong lumalala ang kahirapan ng ating bansa. Maraming salamat.

Mabuhay ang Kilusang Mayo Uno!
Mabuhay ang uring mangggawang Pilipino!
Mabuhay ang anakpawis sa ating bansa!
Mabuhay ang sambayanan!

Message of Ka Crispin Beltran
May 1, 2006

Dear fellow workers and countrymen, this is Ka Crispin Beltran.

Allow me to extend my greetings on this historic day, International Labor Day. The theme of our celebration on this most important day for the Philippine labor movement is timely and just: the struggle for higher wages and the struggle against poverty, hunger and [Pres. Gloria Macapagal-Arroyo's] Charter Change.

It is imperative that we continue to struggle until we attain victory for higher workers' wages of P125 across-the-board for our private workers, and a P3,000 across-the-board salary increase for public sector workers.

We should also struggle against poverty, hunger and Gloria's Cha-cha. It is the overwhelming demand of the workers and the Filipino people today.

We should tell the people that workers are not able to eat three times a day, that workers no longer have a roof to stay at night as 108,000 families of our fellow poverty-stricken workers are about to lose their homes in demolitions along the railways.

Our loved ones do have not enough to feed their families. Workers' wages, if they receive any wages at all, are well below the P675.00 needed per day for a family to live on a day.

And if our loved ones get sick, we suffer even more. We cannot afford to buy medicine because these cost 25 times more, when compared to other countries such as India.

To our workers today: we should struggle to oust her from the presidency. Poverty will worsen in our country for as long as she stays in power.

Thank you.

Long live Kilusang Mayo Uno!
Long live the Filipino working class!
Long live the toiling masses of our country!
Long live the Filipino people!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home