Monday, April 10, 2006

ANG KALBARYO NI KA BEL

From the Office of Anakpawis Representative Crispin B. Beltran

Lisa C. Ito, Public Information Officer (+63)927.796.7006

Tel. # (+632) 426-9442 Email: crispinbeltran@gmail.com

URL: http:// www.geocities.com/ap_news



ANG KALBARYO NI KA BEL



· Sa edad na 73 anos, si Anakpawis Congressman Crispin "Ka Bel" Beltran ay marahil isa sa pinakamatandang detenidong pulitikal sa ilalim ng administrasyong Arroyo.



· Sa kabila ng kaniyang edad at kalusugan, hindi ginalang ang sibil, pulitikal, at pantaong karapatan ni Ka Bel. Bilang beteranong lider-paggawa at sibilyan, nilabag ang kaniyang karapatang-pantao at karapatang sibil sa warrantless arrest at arbitrary detention na isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP). Hindi rin ginalang ang karapatan niya sa parliamentary immunity from arrest bilang Kongresista sa Mababang Kapulungan.



· Ilegal na inaresto at ikinulong nang walang batayan si Ka Bel sa Custodial Center ng Camp Crame mula noong ika-25 ng Pebrero, matapos ideklara ni Pangulong Gloria Arroyo ang isang 'state of national emergency'. Noong ika-2 ng Marso, inilipat siya sa PNP General Hospital sa loob rin ng Camp Crame dahil sa mataas na alta presyon na dulot ng hypertension. Nananatili si Ka Bel dito hanggang sa kasalukuyan.



· Dahil sa kanyang 'di-makatarungang pagkakakulong, hindi nakadalo si Ka Bel sa mga plenary session ng Kamara kung saan nakatakda siyang irehistro ang pagtindig ng masang anakpawis sa P125 dagdag-sahod, Charter Change, Anti-Terror Bill, atbp.



· Kasalukuyang nakabinbin ang mga kasong inciting to sedition sa Quezon City Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 43 at inciting to rebellion (isang non-bailable offense na maaaring patawan ng death penalty) sa Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 137 laban kay Ka Bel.



· Nakatakdang maglabas ng resolusyon ang MRTC Branch 137 ngayong Abril hinggil sa Motion for Judicial Determination of Probable Cause na isinampa ng mga abugado ni Ka Bel.



· Noong Abril 7, tinalakay sa MRTC Branch 137, sa ilalim ni Judge Jenny Lind Aldecoa-Delorino, ang Omnibus Motion na naglalayong bigyang resolusyon ang Motion to Release na inihapag ng mga abugado ni Ka Bel. Hinihiling ng sinasabing Motion to Release na PALAYAIN ng Korte si Ka Bel o kaya ay ISAPAILALIM siya sa protective custody ng Kongreso at ILIPAT sa isang ospital na may adequate facilities.



· Tinutulan ng DOJ ang kahilingang makalaya ni Ka Bel sa police custody sa Camp Crame noong Abril 7 na hearing. Binigyan ng Korte ang DOJ at ang PNP-General Hospital hanggang ika-12 ng Abril upang magsumite ng kanilang Comments sa Motion to Release. Pagkatapos nito ay magpapasya ang huwes kung pagbibigyan o hindi ang Motion to Release. ###

1 Comments:

Blogger Kevin Ray N. Chua said...

Hi! I am Kevin Ray Chua, 15 going 16 years old of Cebu City.

I would just like to show my solid support to the BATASAN 5 and to Ka Bel for their courage and bravery in fighting this authoritarian President.

I would just like to publicize my GLORIA RESIGN Online Petition which can be seen at http://www.petitionspot.com/petitions/krcgmaresign

If you would allow, I would just like to ask your support for targeting this 25,000 people in calling for PGMA’s resignation. I am expecting for you positive response.

You can visit also my blog at http://emperorkevin.blogspot.com

5:15 AM  

Post a Comment

<< Home