Monday, February 27, 2006

Mga militante, hahamunin ang rally ban upang igiit ang paglaya ni Cong. Beltran

*From the Office of Anakpawis Representative Crispin B. Beltran *

Lisa C. Ito, Public Information Officer (+63)927.796.7006

Tel. # (+632) 426-9442 Email:
crispinbeltran@gmail.com

URL: http:// www.geocities.com/ap_news



*FOR IMMEDIATE RELEASE *

*Pebrero 27, 2006*

*Reference: Sammy Malunes, Anakpawis Spokesperson (0920-472-1865)*



*Mga militante, hahamunin ang rally ban upang igiit ang paglaya ni Cong.
Beltran *

*Dadalhin ang protesta sa mga probinsiya, sa ibang bansa, at sa mga dayuhang
mambabatas *



Bilang pagtutol sa rally ban na ipinatuipad ng Palasyo pagkatapos ng
deklarasyon ng Presidential Proclamation (PP) 1071, maglulunsad ng
kilos-protesta ang Anakpawis, ang Kilusang Mayo Uno (KMU), at iba pang mga
organisasyon upang igiit ang pagpapalaya kay Anakpawis Rep. Crispin Beltran.




Kasalukuyang nakapiit sa Custodial Section ng Philippine National Police
(PNP) sa Camp Crame ang 73-anos na kongresista, at humaharap sa kasong
'inciting to sedition' batay sa mga ulat ni PCI Rino V. Corpuz, PI Honesto
D. Gaton, and SPO1 Arnold Casumpang. Nakakulong sa isang maliit, mainit, at
mala-bartolinang selda si Cong. Beltran, ayon sa kanyang pamilya.



Mula sa Caltex Santolan ay magmamartsa ang mga militante hanggang sa geyt ng
Camp Crame at doon maglulunsad ng programa. "Tinututulan namin ang patuloy
na illegal na aresto at ang mga walang-katotohanang kaso na isinampa ng CIDG
laban kay Ka Bel. Patuloy naming hahamunin ang rally ban hangga't nananatili
siya sa piitan. Iginigiit namin ang agarang paglaya ni Ka Bel, ang
pagsasawalang-bisa ng kasong sedition laban sa kanya, at ang pagsampa naman
ng counter-charges sa mga may pakana ng pagkakakulong niya," sabi ni Sammy
Malunes, Tagapagsalita ng Anakpawis National Headquarters.



"Sa kabila ng mga ulat na pumayag na sina Gen. Lomibao at House Speaker Jose
de Venecia ng paglipat ng kustodia ni Cong. Beltran sa Kongreso mula sa PNP,
wala pa kaming nakikitang pormal na utos o dokumento na magpapatunay dito,"
ani Malunes.



"Sa katunayan, dapat itong sina Corpuz, Gaton, at Casumpang ang dapat
kasuhan para sa kanilang pagsisinungaling at fabrication ng testimonies. Sa
kanilang joint affidavit of arrest, ipinagpipilitan ng tatlong ito na kasama
si Cong. Beltran sa mga nagbigay ng mga 'seditious' na talumpati sa rali na
ginanap noong Pebrero 24. Pero sa aktual na pangyayari ay hindi kasama sa
balak, at hindi nagkaroon ng anumang pagkakataon si Cong. Beltran, upang
magbigay ng anumang talumpati sa rali bago ang marahas na dispersal ng Crowd
Disturbance Unit ilang minuto pagkatapos ideklara ni Gng. Gloria
Macapagal-Arroyo ang PP 1017," dagdag ni Malunes.



"Dapat ring panagutin si Gng. Arroyo para sa mga ilegal at 'di-makatarungang
aresto ng mga progresibong mambabatas katulad ni Ka Bel, at ng mga
ordinaryong mamamayan na tumututol sa kanyang korap, marahas, at pahirap na
pamamahala sa bansa. Dapat siyang panagutin para sa mga paglabag sa
karapatang pantao, civil liberties, at press freedom, dapat ikondena ito sa
buong kapuluan at maging sa ibang bansa dahil tinutularan niya ang mga
illegal na political arrests katulad nang kay Ka Bel," ani Malunes.



"An gaming pagkilos sa tapat ng Crame ngayong araw ay simula pa lamang ng
isang malawak at pambansang kampanya para sa paglaya ni Ka Bel sa kabila ng
kawalang-aksyon ng gobyerno. Dadalhin namin ang pagtutol na ito sa mga
probinsiya, sa ibang bansa, at maging sa mga dayuhang mambabatas.
Sisiguraduhin namin na sisingilin ng mundo si GMA para sa kanyang pagpapataw
ng de facto Martial Law," aniya. ###

0 Comments:

Post a Comment

<< Home