Barangay captain pinaslang matapos pasinayaan ang proyekto ng Anakpawis sa Davao
Mula sa Tanggapan ni Anakpawis Rep. Crispin Beltran
News Release February 6, 2006
House of Representatives, South Wing Rm 602
Rep. Crispin B. Beltran: 0927.871.1080
Lisa C. Ito Public Information Officer: 931-6615; 0927.796.7006
Email: crispinbeltran@gmail.com
Visit http://www.geocities.com/ap_news
* *
* *
*Rep. Beltran kinondena ang walang habas na pagpatay sa mga lider, kasapi at
maging mga taga-suporta ng progresibong hanay*
* *
*Barangay captain pinaslang *
*matapos pasinayaan ang proyekto ng Anakpawis sa Davao*
Maliban sa mga lider at kasapi ng progresibong mga partylist, hindi na rin
ligtas sa mga pasistang atake maging mga ordinaryong taga-suporta ng mga
ito.
Pinaslang si barangay Captain George Antolin ng Brgy. Gredu, Panabo City sa
Davao del Norte matapos nilang pasinayaan nina Anakpawis Reps. Crispin
Beltran at Rafael Mariano ang proyektong Day Care Center sa naturang lugar.
Binaril siya ng apat na di pa nakikilalang mga kalalakihang lulan ng
motorsiklo noong Biyernes, Pebrero 3 sa ganap na 11:15 ng umaga. Wasak ang
mukha ni Antolin bunga ng mga tama ng baril sa kanyang ulo.
Ilang araw bago paslangin, magkasamang pinangunahan nina Brgy. Captain
Antolin, Rep. "Ka Bel" at Rep. "Ka Paeng" ang inagurasyon ng proyektong Day
Care Center ng Anakpawis at Panabo Homesettlers' Association sa Barangay
Gredu. Ani Beltran, hindi niya inasahang iyon na ang huli nilang pagkikita
ni Antolin. "Hindi natin maaaring palampasin ang kalapastanganang ito!"
galit na pahayag ni Rep. Beltran.
Paliwanag ni Beltran, patuloy ang paglala ng mga karumaldumal at pasistang
atake sa mga simpleng taga-suporta ng Anakpawis at iba pang progresibong
partylist.
Hindi pa rin malinaw ang motibo at mga detalye ng insidente. Patuloy pa rin
ang pakikipag-ugnayan ng mga tanggapan ng Anakpawis sa mga kinauukulan sa
Davao upang makakalap ng mga impormasyon sa karumal-dumal na pagpaslang.
"Ngunit sa kabila nito, malakas ang kutob kong ang gumawa nito ay iyon ding
mga walang habas na pumapatay ng mga lider, miyembro at alyado ng Anakpawis,
Bayan Muna, Gabriela at iba pang militanteng grupo," aniya.
Tinukoy ni Beltran ang mga military o para-military death squads bilang
salarin, batay na rin sa kanilang obserbasyon sa mga naganap nang pagpatay
sa kanilang mga kasamahan. "Ang paraan ng pagpatay na ginawa ay walang
pinag-iba sa pagpatay kay Diosdado Fortuna, Presidente ng unyon ng mga
Nestle at Anakpawis Chairperson for Southern Tagalog. Binaril si Fortuna ng
mga kalalakihang naka-motorsiklo noong Setyembre 2005. Ganitong-ganito rin
pinatay noong nakaraang taon si Federico de Leon, tagapamuno ng Anakpawis sa
Bulacan," paliwanag ni Ka Bel.
Idinagdag din ni Beltran ang pagbaril ng mga naka-motrosiklong kalalakihan
kay Anakpawis Coordinator Abner Galan sa Camarines Norte nito lamang Enero;
at kay Robert dela Cruz, 43, union leader ng Tritran bus Lines sa Lucena at
taga-suporta ng Anakpawis nito lamang Enero 25.
"Nakababahala ang katahimikan ng Palasyo hinggil sa mga karumal-dumal na
krimeng ito – walang ni isang pahayag ng pagkondena ni anumang aksyon para
imbestigahan ang mga asasinasyong ito na nagaganap sa buong bansa," sabi
niya. ###
*FOR IMMEDIATE RELEASE*
*February 6, 2006 *
* *
*Rep. Beltran decries 'relentless and sinister assassinations of party list
supporter'*
*Barangay captain murdered after Anakpawis solon*
*inaugurates project in Davao*
* *
Assassins have claimed the life of another Anakpawis affiliate, less than a
week after meeting with Anakpawis Representatives Crispin Beltran and Rafael
Mariano in Davao del Sur for the latter's inauguration of a day care center
for his constituents.
Barangay Captain George Antolin of Brgy. Gredu, Panabo City, Davao del
Norte, was shot dead by four unidentified motorcycle-riding assassins at
11:15 a.m. on February 3, Friday. Antolin was also a local ally of Anakpawis
Party List.
Shots from a gun of undetermined caliber shattered Antolin's face, Anakpawis
coordinators say.
Days before Antolin was murdered, the victim and the Anakpawis solons
presided over the inauguration of a day care center in Panabo, a project of
Rep. Mariano's office in cooperation with the Panabo Homesettlers
Association. Prior to that, the Anakpawis solons inaugurated the
construction of a water system project in Davao City under Rep. Beltran's
office.
This was the last time he would ever see Antolin alive, Rep. Beltran said.
Anakpawis is still waiting for more updates and investigations into the
murder from their regional chapters. Antolin is the fourth person to be
affiliated with Anakpawis killed starting January 2006.
Reps. Beltran and Mariano strongly condemned Antolin's murder, calling
attention to the "brazen, sinister and relentless assassinations of
progressive party list members, leaders, and now, even its allies".
"While the motive for the killing has yet to be established, we strongly
suspect this murder to be the handiwork of these same sinister death squads
that have been murdering Anakpawis, Bayan Muna, and Gabriela leaders and
members nationwide ever since the start of Arroyo's term," Rep. Beltran
said.
"The suspicion that military or para-military death squads are behind this
is based on recurring observations on the manner with which our colleagues
are being felled one by one. The modus operandi of this murder is very, very
similar to that of previous murders of Anakpawis leaders in other regions,
such as that of Nestle union leader and Anakpawis Chairperson for the
Southern Tagalog region Diosdado Fortuna, who was shot dead by
motorcycle-riding men September last year; or Anakpawis-Bulacan Chairperson
Federico de Leon who was felled by assassins atop motorcycles while he was
on his tricycle October last year," Beltran said.
Beltran also cited the case of Anakpawis Party List Coordinator Abner Galan
who was shot dead in Camarines Norte by motorcycle-riding men early this
January, and Anakpawis supporter Robert dela Cruz, 43 years old and a union
leader of Tritran Bus Lines in Lucena, who was similarly shot dead by
motorcycle-riding men on January 25, 6:20 p.m. in front of his carenderia.
"It is ominous and suspect to note that the Palace has uttered not a single
word of condemnation nor urged an investigation into these nationwide
assassinations," Beltran said. ###

0 Comments:
Post a Comment
<< Home