NR0117: Sundin ang survey, GMA magresign ka na
Mula sa Tanggapan ni Anakpawis Rep. Crispin Beltran House of Representatives, South Wing Rm 602.
Lisa C. Ito, Public Information Officer
Cellphone number 09277967006, 931-6615
Email: rep_crispin_beltran@yahoo.com.ph
Visit geocities.com/ap_news
Balita. Enero 17, 2006. Martes
Payo ni Ka Bel kay PGMA: Sundan ang mga sarbey at mag-resign na!
Payo ni Anakpawis Rep. Crispin Beltran kay Gng. Gloria Macapagal-Arroyo na “sundan ang mga sarbey na nagpapatunay sa kanyang paggiging inutil at pahirap at bumitiw na sa pwesto”.
Ayon sa pinakahuling sarbey na ginawa ng non-government think tank IBON Foundation mula Enero 1 hanggang 11, 2006, binigyan ng mga Pinoy si Gng. Arroyo ng overall “failing grade” na 69%. 82.8 porsiyento ng respondents ang nagsabi na ‘unsatisfactory’ ang performance ni GMA bilang Pangulo samantalang 7.9 porsiyento lamang ang nagsabi ni ito ay ‘satisfactory’. 65 porsiyento ang sumasang-ayon na dapat matanggal na sa puwesto si Gng. Arroyo.
“Hindi na dapat magkaroon ng ilusyon si Gng. Arroyo na siya pa rin ang ‘Jewel in the Palace’. Dapat mag-rsign na siya bago lalong idikdik ng mga susunod na sarbey na nakakahiya na ang kanyang administrasyon at hindi talaga siya karapat-dapat na manungkulan,” ani Beltran.
“Dalawa sa tatatlong Pilipino ang sumasang-ayon na dapat patalsikin na si Gng. Arroyo sa puwesto. Titindi pa ang galit ng mamamayang Pilipino kay GMA dahil sa kanyang inilulutong Charter Change at Anti-Terrorism Bill, ang kanyang kawalan ng suporta para sa matagal nang hinihinging P126 across-the-board dagdag-sahod, ang napakataas na hunger rate sa buong kapuluan, at ang pagsirit ng presyo ng mga bilihin at bayarin dahil sa pagtaas sa Expanded Value Added Tax (EVAT) mula 10 hanggang 12 porsiyento simula Pebrero 1,” ani Beltran. Patunay nito diumano ang results in IBON sarbey na nagsasabi na 60.3 porsiyento ng mga respondent ay naniniwala na kulang ang kanilang kasalukuyang hanapbuhay upang tugunan ang kanilang mga pangangailangan at na sanhi ang EVAT ng mga pagtaas sa presyo ng bilihin at serbisyo.
“Hindi ba sapat na dahilan na napakarami nang Pilipino ang nagugutom upang magbitiw na sa puwesto ang Pangulo? Ilan pang milyon na Pilipino ang makakaranas ng gutom kung magpapatuloy itong si Gng. Arroyo sa kanyang ilegal na pagpapatupad ng mga kontra-mamamayang patakaran hanggang 2010?,” ani Beltran. Ayon sa January 11 2006 survey na nilabas ng Social Weather Stations, record-breaking na ang pagtaas sa bilang ng mga tahanang Pilipino na nakakaranas ng kagutuman—pinakamataas na naitala ng SWS magmula 1998. Umabot na sa 16.7% noong huling kwarto ng taon ang bahagdan ng mamamayan na pamilyar nang karanasan ang magutom, o 2.8 na milyong Pilipino sa actual na bilang.
Binatikos ni Beltran si Arroyo dahil “ipinagmamalaki ni GMA na epektibo ang kanyang mga pahirap na fiscal at political reforms samantalang wala na itong mga dinulot kundi dagdag na kahirapan at kagutuman sa ating bansa”. Ipinahayag ni GMA sa kanyang talumpati sa Triennial Conference of the Asia-Pacific Operational Research Societies na “in government, in governance, the correct choice is not always the popular one. The chickens might not eat it so you force-feed them.”
“Totoo iyon. Nag-foforce feed lang si Gng. Arroyo ng mga patakaran katulad ng mataas na buwis, pagbawas ng serbisyong social, isang makadayuhang Saligang Batas, panunupil sa mamamayan, at wage freeze dahil ayaw na ng mamamayan na basta-bastang tanggapin ito,” aniya.
“Madam, the correct choice is always the scientific one. Sundan mo ang sinasabi ng mga sarbey at estatistika tungkol sa iyong korap at inutil na admnistrasyon at mag-resign na,” sabi ni Rep. Beltran. ###

0 Comments:
Post a Comment
<< Home