NR0110: dagdag sahod hindi chacha
Mula sa Tanggapan ni Anakpawis Rep. Crispin Beltran
Balita
Enero 10, 2006. Tuesday
House of Representatives, South Wing Rm 602.
Lisa C. Ito, Public Information Officer
Cellphone number 09277967006, 931-6615
Email: anakpawis@gmail.com Visit geocities.com/ap_news
Sigaw ng mamamayan: Dagdag na sahod, hindi Charter Change! - Rep. Beltran
Katulad ng marami pang pampublikong opisyales, duda si Anakpawis Rep. Crispin Beltran na ang pulong ng state council na ipinapatawag ng Palasyo sa Enero 24 ay magiging isang “political carousel na magbibigay-suporta lamang sa Charter Change na gustong ipatupad ng Palasyo.”
“Pinaiikot tayo ng administrasyong Arroyo sa pahayag nito na makakatulong ang Jan.24 state council meet upang makamit ang political reconciliation at reporma sa ekonomiya,” ani Beltran.
“Sa kabila ng mga pahayag ng Palasyo ukol sa 'sinseridad' ng state council meet, malinaw sa sinumang nasa tamang isipan na gagamitin lamang ng Malacanang ang media mileage na maidudulot nito para sa kapakinabangan ni Pang. Arroyo, upang isulong ang kontra-mamamayang Cha-cha at ang kanyang iskema na 'no-elections'. Isa lamang itong gimik na walang kinalaman sa pag-angat ng kabuhayan ng nakakarami sa ating bansa,” aniya.
Nagpahayag rin ng duda si Beltran sa malawakang suporta para sa inendorso ng Palasyo na mga pro-Chacha signature campaign ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP). “Tinatawag nila itong ‘Peoples Initiative'. Ngunit ang ‘inisyatiba’ ay nagmumula sa itaas tungo sa ibaba: nagmumula sa mga opisyales katulad ng Pangulo, mga appointee at alyado niya, at hindi mula sa hanay ng masa,” ani ng beteranong lider-paggawa.
“Ang totoong hiling ng mayorya ng mamamayan ay dagdag na sahod, hindi Charter Change,” aniya. “Mula 1999 pa idinudulog sa gobyerno na magpatupad ng P125 across-the-board nationwide wage increase.
“The real public clamor nowadays is for higher wages, not Charter Change,” the veteran labor leader said, “Filipinos nationwide have been rallying for a P125 across-the-board wage hike since 1999. Ang mga nagsusulong ng Chacha ngayon ay mga publikong opisyales na nagendorso at nagpatupad ng mga kontra-mamamayang patakaran na lalong nagpapahirap sa sambayanan, katulad ng Expanded Value Added Tax, deregulasyon ng industriya ng langis, at iba pa.”
“Tanungin ninyo ang sinuman sa 16 milyon na Pilipinong manggagawa at ang kanilang mga pamilya kung gusto nila ng dagdag na sahod. Sigurado ako na sasang-ayon ang bawat isa sa kanilang lahat. Higit na mas marami iyon sa maximum na bilang ng lagda na nais makolekta ng mga pro-Chacha na opisyales,” aniya.
Isinusulong ni Beltran at iba pang mga representante sa Kongreso ang pagpapasa ng House Bill No. 345, na naglalayong magpatupad ng P125 nationwide across-the-board wage hike sa mga manggagawa sa pribadong sektor, at sinertipay bilang priority bill para sa unang kwardo ng 2006. ###

0 Comments:
Post a Comment
<< Home