Nov.11 Privileged speech on P125 and EVAT
The wage increase issue is already a matter or life, survival and death for Filipino workers in the wake of the EVAT implementation
A privileged speech delivered by Anakpawis Rep. Crispin Beltran
November 7, 2005
This representation rises on a matter of personal and collective privilege. This lawmaker wishes to call attention to the impact of the newly-imposed expanded value-added tax on the steadily decreasing real wages of workers.
Mr. Speaker, honorable colleagues, the EVAT's implementation further widens the already yawning gap between the incomes of ordinary Filipino households and the prices of basic goods and services. As it stands, the prevailing minimum wage in Metro Manila (where it is highest) is just 48% of the estimated P681 daily cost of living for a family of six according to the National Wages and Productivity Commission.
The EVAT will add another P600-900 pesos to the monthly expenditure of households earning less than P15,000 monthly. More families would have to reduce spending even on basic necessities such as food and health care.
Mr. Speaker, this representation is firm in the stand that EVAT is regressive. This is because the rich and poor pay the same tax for a particular product, but the rich actually pay less relative to his or her income. Moreover, billions of VAT payments are lost annually due to corruption. According to the National Tax Research Center , the government is losing an average 30 percent of the expected annual collections from the present VAT Law due to leakage. This translates to annual losses amounting to PhP41 Billion or PhP208 Billion from 1998-2002.
Likewise, the various fiscal incentives laws enacted by Congress have allowed firms engaged in exports and those under investment priority areas to avail of various VAT exemptions and zero-rated privileges that amounted to P195.5 billion in 2003 alone. This is more than the P194-billion budget deficit in 2004.
These exemptions cornered the biggest share of tax and duty exemptions granted by the government in that year which amounted to P299.42 billion. The EVAT will not end the present economic crisis as the Macapagal-Arroyo government claims. On the contrary, it will exacerbate it. It only aims to temporarily alleviate the financial mess, which in the first place was generated by the government’s promotion of foreign capital and local big business interests at the expense of the Filipino people.
The very generous tax incentives given to foreign investors, the reduction of tariffs to levels even lower than what the World Trade Organization presently demands, the annual debt payments and massive corruption generated the financial crisis. The EVAT is more of the same. It is imposed by the International Monetary Fund to ensure that the government can generate additional revenues to finance the burgeoning debt payments estimated at 70 percent of next year's budget.
Ano ngayon Mr. Speaker, ang kuneksyon ng EVAT sa sahod ng manggagawa at sa kanilang kapakanan? Napakalaki! Mr. Speaker. Dahil sa EVAT, lalong tumitibay at lalong nagiging kagyat ang pangangailangan na itaas ang sahod ng mga manggagawa. Dahil sa traydor na EVAT, lalong lumiliit ang halaga ng kakarampot na sahod ng manggagawa. Dahil sa EVAT, wala na halos mabibili ang sobrang babang sahod na sa NCR ay pumapatak ang tunay na halaga sa mas mababa pa sa P150 kada araw. Dahil sa EVAT, lalong lalampas sa kakayanan ng ordinaryong manggagawa ang presyo ng mga batayang produkto at serbisyong panlipunan.
Hindi lingid sa kaalaman ng mga miyembro ng kapulungang ito na 1999 pa nang isampa sa Kongreso ang panukala para sa pagtataas ng sahod ng P125 na legislated at across-the-board. Taong 2005 na ngayon, pero wala pa ring nangyayari sa napakamakatarungan at mahalagang panawagang ito.
Kamakailan lumabas sa mga pahayagan na nais ng gobyernong Arroyo na magkaroon ng pagtataas ng sahod. Magandang balita na sana ito, ngunit kaagad ding nalantad na peke.
Sa halip na itulak ng Malacanang ang Konggreso na gawing priority bill na ang HB 345 o ang panukalang nagtataas ng sahod ng P125 para sa lahat ng manggagawa, pinagtatabuyan na naman ng gobyerno ang mga manggagawa na pumunta na lang daw ulit sa regional wage boards at doon humingi ng pagtataas ng sahod.
At gaya ng inaasahan, ganito rin ang mga argumento ng Department of Labor and Employment sa ilalim ng kaaway ng manggagawang si Patricia Sto. Tomas at mga samahan ng mga ganid at swapang na kapitalista at employer sa pamumuno ng Employers Confederation of the Philippines o ECOP.
Mr. Speaker, namaos na ang Kinatawang ito sa kakapaliwanag kaisa ng mga manggagawa tungkol sa pagiging walang-hiya at inutil ng mga regional wage boards. Mula nang itayo ang mga taksil na wage boards na yan noong 1989, wala na silang ginawa kundi ipako ang sahod sa sahig, at tiyaking hindi ito itaas, ayun na rin sa kagustuhan ng malalaking negosyante at kapitalista.
Kung gaano katagal nang iginigiit ng mga manggagawa ang pagtataas ng sahod, gayundin katagal nila ipinapanawagang ibasura na ang mga regional wage boards. Sadyang kontra-managgagawa at maka-kapitalista ang mga wage boards at ang misyon sa buhay ng mga naka-upo sa mga ahensyang iyan ay tiyaking palaging mumo at latak ang ililimos sa mga manggagawa kapalit ng kanilang pagpapagal sa mga pagawaan.
Mr. Speaker, talagang mali na tumanggi ang Konggreso sa tungkulin nitong pakialaman at pangunahan ang usaping pagtataas ng sahod at itaboy ang mga manggagawa sa wage boards. Una, minimum wage lang ang ginagalaw nito, hindi across the board at nationwide ang pakinabang. Madalas iilang wage boards lang sa mga rehiyon ang nagkokonsidera ng pagtaas ng sahod. Ang iba ay hindi aaksyon kung walang petisyon.
Ikalawa, ang wage boards ay pabor sa mga kapitalista. Batay sa karanasan, ang nakukuha lang sa wage boards ay kung magkano ang papayagan ng mga kapitalista. Isinabatas ang RA 6727 o batas na lumikha sa wage boards noong 1989. Kung titignan ang sahod ng mga manggagagawa mula 1989, lumaki lang ito kumpara sa cost of living hanggang 1991 pero tuloy-tuloy na ang bagsak nya mula noon. Sa madaling salita, papalaki ng papalaki ang agwat ng sahod ng mga manggagawa at cost of living sa loob ng nakaraang 10 taon sa ilalim ng RA 6727
Hindi nakakagulat dahil ang nakakaupo lang sa wage boards ay kinatawan ng mga kapitalista, gobyerno at dilawang lider manggagawa. Isa isahin natin sila: ang gusto ng kapitalista ay mas mataas na tubo. Anuman ang paglaki ng sahod ay kabawasan sa tubo nila. Ang gobyerno naman ay may patakaran na panatilihing mababa ang sahod sa bansa upang maakit ang mga dayuhang kapitalista. Ang mga huwad na lider manggagawa naman na nasa wage boards ay naniniwalang maaaring pag-isahin ang interes ng manggagawa at kapitalista na alam nating imposible. Sa ganyang balanse, di kataka-taka na pabor ang wage boards sa mga kapitalista at kontra manggagawa at kontra sahod.
Mr. Speaker, naghihimagsik ang puso at diwa ng mga manggagawa sa mga argumentong patuloy na hinahambalang sa harap ng panawagang itaas ang sahod. Lagi na lang kontra sa kapakanan at kagalingan ng mga manggagawa ang posisyon ng mga opisyales ng gobyerno pagdating sa isyung ito. Kesyo magsasara daw ang mga kumpanya, kesyo marami daw ang matatanggal sa trabaho, etcetera etcetera etcetera.
Mr. Speaker, mga kagalang-galang na kapwa kinatawan, bakit pagdating sa EVAT at iba pang mga panukala at programa na dikta o utos ng malalaking kapitalista at negosyante, nagkakandarapa ang gobyerno na ang mga ito’y ipatupad? Mga panukala ito tulad ng EVAT na nagdadala ng sobrang pasakit at pabigat sa kabuhayan ng mahihirap at manggagawa. Mga patakaran ito tulad ng tax holidays, tax exemptions, at kung ano-ano pang pabuya sa mga negosyante at kanilang mga dayuhang partner na sa kabilang banda naman ay may epektong pagpapahina sa lokal na ekonomya?
Isang hamon – Mr. Speaker. Lumapag tayo sa lupa at alamin ang tunay na kalagayan ng mga manggagawa. Sagad sa buto ang dusa ng mga manggagawa sa mga pagawaan. Patuloy na pinagsasamantalahan at binabarat ang halaga ng kanilang lakas paggawa, habang lumalamon at nagpapasasa sa luho ang malalaking kapitalistang nang-aalipin.
Napakaraming anak ng manggagawa ang malnourished at hindi na nag-aaral dahil di na sila kayang pag-aralin ng kanilang mga inaliping magulang.
Pinatay ang mga lider manggagawa tulad nina Ric Ramos ng Central Azucarera de Tarlac Labor Union (CATLU), Fedie de Leon ng PISTON-KMU, at Diosdado Fortuna ng union ng Nestle Philippines habang kailang ibinabandila ang pagtaas ng sahod para sa kanilang mga kauri kasabay ng kanilang pakikibaka para sa pampulitika at demokratikong karapatan ng mamamayan.
Walang matanaw na pag-asa o kaalwanan ang mga manggagawa sa harap na patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, pagtaas ng singil sa kuryente na kapwa naming humahatak pataas sa presyo ng mga batayang produkto at singil sa mga serbisyong medikal, transportasyon, pabahay at edukasyon.
Bukod sa pagkondena ng mga manggagawa sa pangulong nagsinungaling, nanloko at nagnakaw, malakas ang panawagan ng mga obrero na bumaba sa poder si Pangulong Arroyo dahil sa matinding kahirapang kanilang dinaranas sa ilalim ng kanyang panunungkulan. Kahirapang hindi na lang dapat itangis kundi dapat ikondena at labanan dahil dala ito ng korapsyon sa pamahalaan at pagmamatigas ng gobyerno sa mga hinaing ng mamamayan.
Mr. Speaker, honorable colleagues, we are now being given a chance to correct a grievous wrong which continues to be committed against Filipino workers. We are all being given a shining opportunity to help give even a measure of relief to the long-suffering lives of millions of Filipinos. This representation strongly urges, sincerely asks the members of this honorable body to not turn a deaf ear or a blind eye to the worsening poverty of the Filipino workers.
The wage hike issue, apart from being a matter of life, survival or death for workers, is also an issue of social justice. Congress must not turn away from its duty to address social grievances, and these grievances of the one of the most impoverished sectors of Philippine society must be given redress urgently. Please support HB 345 and have this august chamber approve a P125 across-the-board wage increase for all workers nationwide.
Thank you very much.#

0 Comments:
Post a Comment
<< Home