Thursday, September 29, 2005

Sept.26 Privileged speech on martial law, assasination of labor leader Diosdado Fortuna

Nakapataw na ang batas Militar para sa mga aktibistang pulitikal; Katarungan para kay Diosdado Fortuna, Lider Manggagawa
Privileged speech delivered by
Anakpawis Rep. Crispin B.Beltran, September 26, 2005


Mr. Speaker, this representation would like to speak on the growing political repression in the country and the recent killing of a respected labor leader and human rights advocate which took place last Thursday, September 22, 2005.

Mr. Speaker, lumabas kamakailan ang mga ulat na may balak ang gobyerno ni Gng. Gloria Macapagal-Gloria na magpataw ng batas militar bilang tugon sa hindi pa rin mapahupang mga protesta laban sa corrupt at ilehitimong presidente at mga patakarang kinakatawan ng kanyang administrasyon.

Nagpalitan na akusasyon at denial ang Malacanang at ilang kilalang kinatawan ng Opposition kaugnay dito, at hanggang ngayong araw ay pinipilit ni Spokesperson Ignacio Bunye na guni-guni lang ng ilang tao ang batas militar. Ani Bunye, pasulong nang muli ang gobyerno at ekonomya, at walang dapat ipangamba ang publiko dahil walang naka-umang na crackdown sa mga karapatang pantao at sibil.

Mr. Speaker, tutol ang kinatawang ito sa ganitong pahayag, at nais kong sabihing sinungaling si Bunye at ang iba pang tagapagsalita ng gobyerno na nagsasabing walang nangyayaring pag-atake sa kagalingan ng mamamayan, partikular kung pag-uusapan ang civil, political and human rights.

Mr. Speaker, sa pananaw ng mga pamilya ng mga sibilyang biktima ng panghaharas at pagpatay ng Armed Forces of the Philippines, matagal nang nakapataw ang batas militar. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang nakakamit na hustisya para sa mga biktima ng human rights violations kasama na ang pagdukot at pagpatay sa ilalim pa lang ng admnistrasyong Arroyo.

Ngayong taon lang, umabot na sa 50 na aktibista at lider ng mga progresibong organisasyon at party- list ang pinatay. Kabilang na dito ang mga prominenteng lokal na opisyales, makabayang pari, mga abogado, peryodista, at mga lider manggagawa at magsasaka.

Ang paninindigan naman ng mga human rights organizations, kahit hindi na ipataw ang martial law, dahil sa implementasyon ng mga patakarang tulad ng no-strike policy sa mga export processing zones at sa pagbabawal sa mga kilos protesta at demonstrasyon pag walang permit, batas militar na rin ang ipinatutupad ng pamahalaan.

Mr. Speaker, despite the denials of the administration, this Representation believes that strongest vigilance and watchfulness are necessary to defend Filipinos’ democratic and civil rights against any and all attempts of the beleaguered presidency. The denials of the various Malacanang spokespersons that Pres. Arroyo has no intention of imposing martial law should not be accepted at face value. A highly questionable anti-terrorism bill is still in the works, and the PNP has already been instructed to crackdown on rallies and demonstrations without permits.

We cannot trust the word of this government much less it’s highest official who has already been caught cheating and lying again and again, but still refuses to resign from office. The subject of political killings has not been addressed at all by the Arroyo administration. Not a single police or military element has been punished for violating the human and civil rights of protestors. The country remains on the watchlist of every human rights watchdog in the world.

Mabalita ko na rin, Mr. Speaker na may umiikot nang mga ulat kaugnay sa isang komprehensibong plano laban sa mga nagpo-protesta. Umano, a plan to undermine the protests and demonize demonstrators and their leaders especially from the progressive and militant organizations originates from Cabinet Oversight Committee on Internal Security which is composed of Executive Secretary Eduardo Ermita, National Security Adviser Norberto Gonzales, Defense Secretary Avelino Cruz, Interior and Local Government Secretary Angelo Reyes, AFP chief Gen. Generoso Senga and Philippine National Police chief Director General Arturo C. Lomibao. Pinag-aaralan pa itong ulat na ito, Mr. Speaker.

Sa puntong ito, Mr. Speaker, upang lalong bigyang laman ang akusasyon ng mga human rights groups na may batas militar na kahit hindi ito deklarado, aking kinokendana ang pagpaslang sa isang kilalang lider manggagawa sa Southern Tagalog.

Isang araw matapos ang mga protesta kaugnay sa ika-33 taong anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar ng diktaduryang Marcos, pinatay si Diosdado Fortuna, tagapangulo ng unyon ng Nestle-Philippines . Si Ka Fort , tagapangulo ng pederasyong PAMANTIK-KMU, at tagapangulo ng Anakpawis Southern Tagalog ay binaril ng dalawang beses sa dibdib. Ginawa ang pamamaril sa Sagara, Brgy. Paciano, Canlubang, Laguna ng mga kalalakihang mahigpit na pinaghihinalaang militar.

Mr. Speaker, itatak ang araw na iyon sa kasaysayan ng pakikibaka ng uring manggagawang Pilipino at sambayanan. Dumanak ang dugo ng isang dakilang lider manggagawa at lider-mamamayan. Nadagdagan na naman ang mahabang listahan ng utang na dugo ng mapagsamantalang naghaharing sistema at ng gobyernong kumakatawan dito.

Matibay na nanindigan si Ka Fort laban sa mga di-makataong patakaran ng management ng transnasyunal na kumpanya ng Nestle at sa pakikipagkutsabahan nito sa Department of Labor and Employment sa ilalim ni Patricia Sto. Tomas. Itinaas nya kasama ng kanyang kapwa unyunista ang mga isyung pang-unyon sa antas pambansa sa pamamagitan ng pagbira sa cheap and exploited labor policy ng gobyerno at ang ang burukrata kapitalismo ng mga bulok na opisyales tulad ni Sto. Tomas.

Noong 2002, pinamunuan ni Ka Fort ang welga sa Nestle Cabuyao matapos magkaraoon ng deadlock sa collective bargaining agreement nang tutulan ng kumpanya na kilalanin ang retirement benefits bilang bahagi ng CBA.

Bilang pangulo ng union, nilantad din nya ang ma-anomalyang kasunduan sa pagitan ng DOLE at ni Sto. Tomas matapos bayaran ng transnasyunal na kumpanya ang chauffer services ni Sto. Tomas sa Switzerland nang sya’y nakatalaga pa sa International Labor Organization (ILO).

Sa mga huling buwan bago sya pinatay, aktibo si Ka Fort sa kampanyang masa para sa pagpapatalsik kay pangulong Arroyo. Lagi syang kasama sa mga kilos protesta, sa Timog Katagulan at sa mga malalaking pagtitipon sa EDSA at sa Makati.

Mr. Speaker, Ka Fort is the 120th victim of political assassination in Southern Tagalog, and the 40th member of Anakpawis Party List killed since it was established in 2002. Hanggang ngayon, wala pa ring maibigay na ulat ang Laguna PNP command kaugnay sa mga imbestigasyon sa ginawang pagpatay sa kanya. Kung magtuturo ng daliri kung sino ang mga maaring salarin, maaring ituro bilang suspek ang AFP, PNP, o ang Regional Special Action Force (RSAF).

Sa harap ng mga ganitong klaseng kaganapan, masasabi bang may kapayapaan sa bansa? Na may paggalang sa karapatang pantao? Undeclared ang martial law sa bansa, Mr. Speaker. Araw-araw binibiktima nito ang mamamayan na ayaw tumigil sa paglantad ng katotohanan at pagtutol sa kawalan ng panlipunang katarungan. Hwag nating pahintulutan na si Ka Fort at ang daan-daang katulad nya na pinaslang ng mga pwersa ng gobyerno ay manatiling mga statistics lang. Kailangang ilantad, labanan at wakasan ang pagpaslang sa mga sibilyang nagsusulong sa mga pampulitikang pagbabago sa lipunan.

In conclusion Mr. Speaker, Honorable members of this chamber, a challenge for all of us. We are all challenged to stand with the Filipino people in opposing the Arroyo regime’s rising tyranny and political repression. There can never be true progress and development where there is no justice; and where there is no justice, genuine and lasting peace can never take root.

Those who seek to silence the protesting voices of the exploited aid the exploiters and condone the worsening human rights situation in the country. We as their representatives must join the Filipino people in defending their human and political rights against all forms of repression. Never again to martial law! Justice for all human rights victims, and defend the living and breathing democracy that lives at the heart of every street protest against this corrupt and illegitimate presidency! Thank you and good afternoon.#

1 Comments:

Blogger Nick said...

Well, this is very interesting indeed. realestatetorontolawyers.com/

1:34 AM  

Post a Comment

<< Home