Abolish regional wage boards (privelege speech)
Junk wage rationalization, abolish the good-for-nothing regional wage boards
Talumpati sa plenaryo ni Anakpawis Representative Crispin B. Beltran
30 Mayo 2005
Mr. Speaker, I rise on a matter of personal and collective privilege. Again, this representation speaks of an issue that’s very urgent to a big majority of Filipinos and their families: ito ay ang isyu ng pagtataas ng sahod.
Mr. Speaker, honorable members of this house, lumalabas na sa mga pahayagan na naglabas na ang mga regional wage boards sa ilang probinsya ng mga cost-of –living allowance. Noong Biyernes, inanunsyo ng wage board sa Cordillera Autonomous Region at sa Central Luzon na bibigyan ang mga manggagawa sa mga naturang rehiyon ng COLA. Inanunsyo na rin ng Department of Labor at ng National Wages and Productivity Commission na maari nang ilabas ang mga COLA order para sa national capital region at iba pang rehiyon ngayong araw at bukas, Martes.
Bigyang pansin, Mr. Speaker – cost of living allowance o COLA, hindi ito wage increase. Cost of living na sa sobrang liit ay muntik nang maging cost of libing, mas malaki pa dito ang pang-abuloy sa patay, Mr. Speaker.
Ibang-iba ang COLA sa wage increase, Mr. Speaker. Hindi ito makabuluhang pagtataas ng sahod na idadagdag sa araw-araw na sahod ng mga manggagawa at ipapatong sa kanilang iba pang pang-ekonomyang benepisyo.
Mr. Speaker, matibay na iginigiit ng kinatawang ito na ang direktiba ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga regional wage boards noong Mayo 1 ay isang tangkang pahupain ang malakas na tulak at panawagan ng mga manggagawa para sa isang legislated wage increase.
Samantala, kailangan ding ilantad ang kahulugan ng bulok at kontra-manggagang RA 6727 o Wage Rationalization Act. Ang traydor na batas na ito na ipinatupad noong 1989 ang siyang lumikha sa mga walang-kwentang regional wage boards. Ito ang legal na instrumento ng gobyerno upang hati-hatiin hindi lang ang sistema ng pasahod kundi pati ang mga manggagawa sa buong bansa, at pawalang bisa ang laban para sa ng isang national minimum living wage.
Mr. Speaker, this infamous RA 6727 adheres to the principle that wages should primarily be determined through collective bargaining between employers and workers, even as less than three percent of wage and salaried workers are actually covered by collective bargaining agreements.
Combined with the repressive provisions in the Labor Code such as the assumption of jurisdiction powers of the labor secretary, "wage rationalization" today merely leaves the vast majority of workers at the mercy of capital.
Mr. Speaker, kailangang malinawan ang lahat ng kinatawan sa kapulungang ito tungkol sa usapin ng sistemang pasahod sa bansa. Ang kasaysayan ng pagtatakda ng sahod sa Pilipinas ay kinatatangian ng pagsasamantala sa paggawa, at ang impluwensya at kapangyarihan ng mga employer at kapitalista upang maggiit sa mga prosesong legislative. Mula nang unang itakda ang unang wage law o RA 602 noong 1951, haggang sa kasalukuyang RA 6727 na ipinasa noong 1989, tiniyak na ng gobyerno na magiging alipin ang lahat ng mga manggagawa. Alipin ng capital, at alipin ng tubo.
Lantad na lantad sa mga manggagawa sa buong bansa na ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ay binubuo ng mga employers, government at dilawang mga kinatawan ng mga umano’y unyon at samahang manggagawa. Hindi sila kailanman naghangad na magbigay ng makabuluhang tulong sa mga manggagawa. Hindi ang kapakanan ng mga manggagawa ang pangunahing konsiderasyon ng mga wage boards, kundi kung ano ang gusto at handang ilimos ng mga malalaking negosyante sa anyo ng COLA.
Mr. Speaker, mula noong taong 2000, 27 na beses nang tumaas ang presyo ng mga bilihin. Ang minimum na sahod sa Kamaynilan ay nakasayad pa rin sa P250, P300 kung isasama ang ECOLA na hindi talaga bahagi ng basic wage. Ang halagang ito ay mas mababa ng 38 porsyento sa umano’y ‘living wage’ na ine-estima n g National Wages and Productivity Commission.
Samantala, kahit doblehin pa ang daily wage rates, kukulangin pa rin ito at hindi aabot sa P663 na kailangan ng bawat isang pamilyang may anim na miyembro upang mabuhay ng maayos at disente.
Dahil sa pagtuloy na pagsirit ng presyo ng mga bilihin gayundin ng singil sa mga batayang serbisyong panlipunan, ang take-home pay ng karaniwang manggagawa ay hindi sapat para sa pagkain ng isang pamilya sa isang araw. Kayo ba, Mr. Speaker, nakaranas na ba kayo at ang inyong pamilya na kumain lang ng sardinas at instant noodles bilang almusal, tanghalian at hapunan araw-araw? Delata at instant pancit canton na ang tinatawag na staple food ng maraming mga Pilipino ngayon. Masyado nang mahal ang presyo ng bigas, karne at gulay, kahit ano pang sabihin ng mga Department of Trade and Industry.
Mr. Speaker, habang ang mga karaniwang pamilyang Pilipino ay dumaranas ng patuloy na lumalalang kahirapan, patuloy namang lumalaki ang kita ng mga pinakamalalaking korporasyon sa bansa. Noong taong 2003 lang, ang kabuuang tubo o kita ng top 5,000 corporations sa bansa ay tumaas ng 66 percent. Naumumuno na dito ang mga telecom giants at mga multinational mining
Corporations. Kumikita ang mga Ayala, halimbawa, ng P1.2 milyon na tubo kada isang oras sa Globe Telecom pa lamang.
Malinaw Mr. Speaker na ang mga multinasyunal na kumpanya at ang mga malalaking lokal na kapitalista ay may kakayanan na magbigay ng mas mataas na sahod sa kanilang mga manggagawa. Sila ang tunay na nakikinabang sa mga patakaran ng globalisasyon, habang ang manggagawa ang nagdudusa at pinupwersang pumili sa pagitan ng mala-impyernong trabaho at mala-aliping pasahod o kawalan ng kabuhayan.
Ito rin, Mr. Speaker, ang tunay na dahilan kung bakit nagkukunwari ang mga malalaking negosyante na sila’y “concerned” para sa kapakanan ng mga maliliit na kapitalista at ang kanilang mga negosyo. Big business is forced to dissemble by claiming to have the interests of small entrepreneurs and their workers at heart when they rail against wage increases. Sa katotohanan, maging ang mga statistics mula sa labor department ang nagsasabing 0.2 percent lang ng empresa ang nagtanggal ng mga manggagawa noong 20003 dahil sa mandatory minimum wage adjustments, habang dambuhalang 34.8 percent ang nagbawas ng manggagawa dahil sa "lack of demand."
Mr. Speaker, surveys of business executives have time and time again pointed to other factors behind the country's "uncompetitiveness." The flood of foreign goods due to import liberalization, a constricted market due to mass poverty, corruption, cronyism and state abandonment of its duties, including the provision of adequate physical and social infrastructure, have rendered domestic production more costly and less rewarding compared with trading, finance and dreaming of stardom.
Mr. Speaker, ang malala at patuloy na sumsahol sa krisis pang-ekonomya sa bansa ay hindi dapat gamiting dahilan upang lalaong pitpitin at pababain ang sahod ng mga manggagawa. Isang hindi-makatao at baluktot na pagdadahilan ito. Sa halip, ang malalang krisis pang-ekonomya ang dapat pa ngang magtulak sa pamahalaan na maghanap ng mga hakbang lung paano tutulungan ang mga manggagawa!
Ito ba ang ginagawa ng gobyernong Arroyo? Malinaw na hindi! Dagdag na buwis ang ipinapataw, at pagbabawas sa mga subsidyo’t budget para sa mga batayang serbisyong panlipunan pa nga ang ginagawa ngayon ng pamahalaan.
Mr. Speaker, distinguished colleagues, bilang panghuli, pinapaalam ng Kinatawang ito na siya’y labis na nababahala sa patuloy na pagtindi at paglala ng matagal nang laganap na kahirapan sa bansa dulot ng pagtaas ng presyo ng langis, bilihin at singil sa kuryente. Nangangamba rin ang Kinatawang ito sa mga bagong pahirap na papasanin ng mamamayan, lalo na ng uring anakpawis bago pa man sumapit ang darating na pasukan.
1. Una, may naka-ambang implementasyon ng P2 dagdag na pasahe sa mga pampublikong sasakyan. Kung may apat na kasapi ng pamilya ang mamasahe ng isang beses, balikan, sa isang araw, ito ay mangangahulugan ng P384 na dagdag gastos kada buwan.
Malaking kamalasan na lang, Mr. Speaker, kung ang manggagawa ay nakatira sa Maynila ngunit ang pinapapasukang trabaho ay sa Valenzuela, Taguig, o Makati. Mas malaki ang papasanin niyang dagdag pasahe.
2. Pangalawa, dahil sa pag-apruba ng Energy Regulatory Commision sa petisyon ng NAPOCOR at PSALM para sa pagtataas ng singil sa kuryente, magsisimula nang singilin sa mga konsyumer ang P1.04 per kilowatthour na dagdag singil sa kuryente, o P52 sa bawat 50 kilowatthour monthly consumption.
3. Pangatlo, tiyak din ang pagtaas ng gastusin ng bawat pamilyang Pilipino dahil sa pagsasabatas ng mga bagong tax measures tulad ng VAT.
Mr. Speaker, distinguished colleagues, dahil sa pagtaas ng singil sa pamasahe at singil sa kuryente, tinatayang lalampas sa P436 kada buwan ang dagdag gastusin simula sa darating na pasukan sa Hunyo. Maaaring sa darating na Hunyo rin maramdaman ang epekto ng mga bagong batas sa VAT. Tinatayang P271 kada buwan ang average na madadagdag sa gastusin ng isang pamilya sa unang taon ng implementasyon ng bagong VAT law.
Sa harap ng lahat ng mga ito, Mr. Speaker, sa ngalan ng uring mangagawa, mariin kong pinananawagan sa lahat ng mambabatas na suportahan ang HB 345 at ang panawagan ng mga mangagagwang itaas ng p125 across-the-board ang kanilang mga sahod. Wag tayong pumayag na palinlang sa mga regional wage boards at wag nating payagang muling linlangin ng mga traydor na wage boards na ito ang manggagawa at ang kanilang interes.
Ito lamang Mr. Speaker, at maraming salamat! #

1 Comments:
Hello,
I liked your blog. I found many interesting information here.
I also give free info about rated forex trading system on my
href="http://www.WebTradingSystem.com">Forex Trading System site.
If you have time please visit my web site to get some free rated forex trading system
information.
Kind regards,
Nick
Post a Comment
<< Home